Ang lumpiyang sariwa ay paborito
nating mga Pinoy, kaya sa tuwing may okasyon gaya ng birthday, graduation,
anniversary, kasalan at iba, hindi nawawala ito sa hapag- kainan. Masarap na,
masustansya pa dahil ito ay punong-puno ng mga sangkap na gulay na punong-puno
ng sustansya at bitamina.
Paano ba ang magluto ng lumpiyang
sariwa? Narito ang mga kailangan mong ihanda sa pagluluto nito. Kailangan ang 1
maliit na sibuyas, 2 butil ng bawang, 2 kutsara ng cooking oil, 1/2 lb. lutong
karneng baboy, hiniwa ng pakudrado, 1/2 tasa hiniwang maliliit na hipon, 1/2
tasa lutong garbanzo (chick peas) beans, 1/4 tasa cooked ham, chopped, 2 tasa
hiniwang carrots, 1/2 tasa green beans hiniwa ng pino, 2 tasa hiniwang maliliit
na repolyo, 18 lumpia wrappers, lettuce leaves.
Igisa ang bawang, sibuyas at
kamatis. Ihalo ang baboy, hipon, garbanzo beans at ham. Pakuluin ng walang
takip sa loob ng 5 minuto, halu-haluin paminsan-minsan. Idagdag ang carrots,
green beans at tubig. Isalang pa ng 5 minuto. Idagdag ang repolyo at asin,
haluin hanggang sa maluto ang lahat ng gulay. Palamigin.
Para sa lumpia wrappers, iluto ng
isang side lamang sa bahagyang minantikaang kawali hanggang sa maging
katamtamang kulay ng pagka brown. Iluto ng isang side lamang. Ilagay ang kalahating
side ng lumpia wrapper na kulay puti pataas paharap sa yo.
Ipatong ang dahon ng lettuce at 1/3 tasa na pinalamig na ginisang gulay. Ibalot paikot at hayaang nakabukas ang kalahati nito. Ihain ng mainit na nilagyan ng brown sauce.
Para sa sarsa, sa isang maliit na
kaserola, ihalo ang 1/2 tasang asukal at 1 tbsp. cornstarch. Ihalo ang 1 tasa
chicken broth and 2 tbsp. soy sauce. Lutuin at haluin hanggang sa kumulo,
hinaan ang apoy at maglagay ng 1 butil ng dinikdik na bawang. Iluto hanggang sa
lumapot ang sauce.
Lumpiang Sariwa
Mga Sangkap:
- 1 maliit na sibuyas, tinadtad
- 2 butil ng bawang, tinadtad
- 2 kutsara ng cooking oil
- 1/2 lb. lutong pork, hiniwa ng pakudrado
- 1/2 tasa hiniwang maliliit na hipon
- 1/2 tasa lutong garbanzo (chick peas) beans
- 1/4 tasa cooked ham, chopped
- 2 tasa hiniwang carrots
- 1/2 tasa green beans hiniwa ng pino
- 2 tasa hiniwang maliliit na repolyo
- 18 lumpia wrappers
- lettuce leaves
Paraan ng Pagluluto:
- Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Ihalo ang baboy, hipon, garbanzo beans at ham. Pakuluin ng walang takip sa loob ng 5 minutes, halu-haluin paminsan-minsan.
- Idagdag ang carrots, green beans at tubig. Isalang pa ng 5 minuto. Idagdag ang repolyo at asin, haluin hanggang sa maluto ang lahat ng gulay. Palamigin.
- Para sa lumpia wrappers, iluto ng isang side lamang sa bahagyang minantikaang kawali hanggang sa maging katamtamang kulay ng pagka brown. Iluto ng isang side lamang. Ilagay ang kalahating side ng lumpia wrapper na kulay puti pataas paharap sa yo.
- Ipatong ang dahon ng lettuce at 1/3 tasa na pinalamig na ginisang gulay. Ibalot paikot at hayaang nakabukas ang kalahati nito. Ihain ng mainit na nilagyan ng brown sauce.
Brown Sauce:
- Sa isang maliit na kaserola, ihalo ang 1/2 tasang asukal at 1 tbsp. cornstarch.
- Ihalo ang 1 tasa chicken broth and 2 tbsp. soy sauce.
- Lutuin at haluin hanggang sa kumulo
- hinaan ang apoy at maglagay ng 1 butil ng dinikdik na bawang
- Iluto hanggang sa lumapot ang sauce.