Paano Magluto Ng Masarap Na Embutido?

 



Ang Embutido ay isa rin sa mga paboritong ihanda ng mga Pinoy kapag may okasyon gaya ng birthday, anniversary, graduation, kasalan at maging sa pagsalubong ng bagong taon. Ito ay kaakit-akit tignan sa hapag-kainan lalo na't ito ay hiniwa-hiwa na at inilagay sa bandehado.

 

Kung hindi mo pa alam kung paano magluto nito, narito ang mga dapat mong gawin. Una, ihanda ang mga sangkap gaya ng 1 kilo giniling na baboy, 1 tasa vienna sausage (hiniwa ng maliliit), 2 tsps salt, 1/2 tsp pepper, 1 tsp vetsin, 1 tasa bread crumbs binabad sa 1/2 tasang evap milk, 2 itlog, 1/2 cup sweet relish, 1 malaking sibuyas, 4 tsbsp raisins, 2 hard boiled eggs, hiniwa sa apat, 1/2 kg leaf lard

 

Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap maliban sa itlog at leaf lard. Haluing mabuti. Ilagay ang mixture sa 8x 10 inch piece with leaf lard. Ihanay ang mga slice ng hard-boiled eggs sa mixture. Irolyo ang leaf lard paikot para makabuo ng jelly rod, ibalot sa aluminum foil. Iluto sa steamer ng 1 oras. Palamigin. Alisin ang wrapper bago ihain. I-slice at maglagay ng dekorasyon.





EMBUTIDO

Mga Sangkap:

1 kg giniling na baboy

1 tasa vienna sausage (hiniwa ng maliliit)

2 tsps salt

1/2 tsp pepper

1 tsp vetsin

1 tasa bread crumbs binabad sa 1/2 tasang evap milk

2 itlog, binate ng bahagya

1/2 cup sweet relish

1 malaking sibuyas, tinadtad ng pino

4 tsbsp raisins

2 hard boiled eggs, hiniwa sa apat

1/2 kg leaf lard




Paraan ng Pagluluto:
  • Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap maliban sa itlog at leaf lard.
  • Haluing mabuti. 
  • Ilagay ang mixture sa 8x 10 inch piece with leaf lard. 
  • Ihanay ang mga slice ng hard-boiled eggs sa mixture. 
  • Irolyo ang leaf lard paikot para makabuo ng jelly rod, ibalot sa aluminum foil.
  • Iluto sa steamer ng 1 oras. Palamigin.
  • Alisin ang wrapper bago ihain. I-slice at maglagay ng dekorasyon. Pang 8 katao.