Paano Magluto ng Masarap Na Kare-kare?

 

Ang Kare-kare ay paboritong ulam nating mga Pinoy. Ito ay karaniwang inihahain sa mga okasyon at maging sa mga pangkaraniwang mga araw ng tanghalian o hapunan. Ito ay napakasarap at napakasustansya dahil sa mga sangkap nito na mga gulay.

 

Puso ng Saging

 

Ang puso ng saging ay nagtataglay ng fiber, potassium, folate, at antioxidant na Vitamin C. Ang lahat ng ito ay sumusuporta sa heart health. Isang pag-aaral nuong 2017 ang nagpatunay na ang mga taong kumukunsumo ng high fiber diet ay mayroon lamang kakaunting risk ng cardiovascular disease kumpara sa mga tao na kumukunsumo ng kakaunti lamang nito.

 

Talong

 

Ang talong ay isa ring napakasustansyang gulay at naglalaman ng napakaraming mga vitamins at minerals. Ito ay mayaman sa fiber, potassium, at B vitamins. Ito rin ay mababa sa calories at sodium. Ito ay tumutulong sa digestion, heart health, nakakapag prevent ng cancer, nakakatulong sa bone health, nakakapag prevent ng anemia at nakakapag increase ng brain function.

 

Sitaw

 

Ang sitaw ay mabuting source ng mga vitamins at minerals. Ito ay napakasustansya dahil ito ay naglalaman ng mga essential vitamins kagaya ng folate. Ang isang tasang sitaw ay may 33 mcg ng folate, halos 10 porsyento ng RDA. Ang folate ay isang B vitamin na tumutulong sa mga buntis upang makaiwas na mag-anak ng may defect.

 

Pechay

 

Ang pechay ay mas mayaman sa folate. Ang 2 tasa ng pechay ay mayroong 120 mcg na folate, halos 1/3 of RDA. Ito rin ay mayaman sa Vitamin K na mabuti sa blood clotting. Mayaman din ito sa calcium at naglalaman ng maraming fiber.

 

Mani

 

Ang mani ay tinaguriang Superfood dahil ito ay puno ng maraming mga vitamins at minerals na tumutulong sa atin upang magkaroon ng mabuting kalusugan. Ito rin ay nagbibigay ng maraming mga benepisyo sa katawan. Isa  itong source ng Vitamin E, isang healthy fat na kailangan ng ating katawan. Ito rin ay source ng Vitamin B6, iron, magnesium, calcium, potassium, at sodium at ito ay mayaman sa protina. Ang mani ay mabuti sa puso at mabuti rin sa mga may diabetes. Ang pagkain ng mani ay nakakatulong upang makaiwas sa sakit sa puso sa pamamagitan ng pagpapababa ng cholesterol levels. Nakakatulong din ang mani upang makaiwas sa small blood clots na mabuo at maiwasang atakihin sa puso o ma-stroke.

                             

Paano Magluto ng Kare-Kare?


Ang Kare-kare nuon ay isang masalimuot at mahirap lutuin ngunit dahil sa mayroon na tayo ngayong mabibiling mga Kare-kare mix, ang pagluluto nito ay pinadaling mainam para sa ating mga Pinoy.

 

Madali lamang ang pagluluto ng Kare-kare. Pakuluan mo lamang ang oxtail hangang sa lumambot. Igisa ang bawang at sibuyas at ang oxtail (i-set aside ang sabaw ng oxtail) at ibuhos ang Kare-kare mix. Halu-haluin at pagkatapos ay pwede ng ilagay ang sabaw ng oxtail.

 

Makalipas lang ng ilang minuto ay pwede mo ng ilagay ang mga gulay. Magsimula sa puso ng saging, sitaw, talong at sa huli ay ang pechay.

 

Paano Ihanda ang Oxtail?

 

Banlawan ang oxtail sa ilalim ng malamig, umaagos na tubig at tanggalin ang labis na taba. Sa isang malalim na kaldero, ilagay ang mga oxtail at sapat na tubig upang matakpan. Sa katamtamang init, pakuluan, i-skim ang anumang scum na naipon sa itaas. Ibaba ang init, takpan at pakuluin, magdagdag ng mas maraming tubig kung kinakailangan upang mapanatili ang 6 na tasa, hanggang sa ang mga oxtail ay madaling  tusukin gamit ang isang tinidor.  Alisan ng tubig ang oxtail, magreserba ng humigit-kumulang 6 na tasa ng sabaw.

 

Paano ihanda ang Puso ng Saging?

 

Balatan at itapon ang panlabas, mahibla na mga layer ng balat ng puso ng saging hanggang sa maabot mo ang mas magaan, malambot na core. Putulin ang tangkay at itapon. Hiwain ang core ng saging sa kalahati at sa ikaapat. Sa isang mangkok ng malamig na inasnan na tubig, ilagay ang hiniwang puso ng saging at ibabad ng mga 15 hanggang 20 minuto. Gamit ang mga kamay, pisilin upang mailabas ang mapait na katas. Banlawan ng malamig na tubig at alisan ng tubig, itapon ang likido.

 

Paano Iimbak?

 

Kung may natira sa niluto mong Kare-kare ay pwede mo itong ilagay sa isang plastic container na may takip at maaari mo itong itago hanggang kinabukasan lamang dahil ito ay may mani, madali itong umasim kahit nasa ref.



IBA PANG MGA LUTUIN NA MAAARI MONG SUBUKAN: