Paano Magluto Ng Masarap Na Puto Cheese?

 





Ang Puto Cheese ay paborito ng mga Pinoy.  Madalas itong ihain sa meryenda at gayundin sa mga pagtitipon o kaarawan. Napakadaling ihanda nito.

 

Upang makagawa ng Puto Cheese, kailangan mo lamang ng  4 na buong itlog,  1 tasang powdered milk,  2 tasang pinong asukal,  2 tasang all-purpose na harina,  3 kutsarita ng baking powder,  1 tasang pineapple orange juice,  grated cheese (para sa dekorasyon).

Batihin ang mga itlog. Idagdag at ihalo ang lahat ng iba pang sangkap maliban sa keso. Idagdag ang keso para sa dekorasyon. Ilagay sa isang molder. I-steam (sa loob ng 10 mins kung ang laki ng molder mo ay katulad ng molder para sa macaroons).

 


PUTO CHEESE

MGA SANGKAP:

  • 4 buong itlog
  • 1 tasang powdered milk
  • 2 tasang pinong asukal
  • 2 tasang all-purpose na harina
  • 3 kutsarita ng baking powder
  • 1 tasang pineapple orange juice
  • gadgad na keso (para sa dekorasyon)

 

PARAAN NG PAGLULUTO:

  • Batihin ang mga itlog.
  • Idagdag at ihalo ang lahat ng iba pang sangkap maliban sa keso.
  • Idagdag ang keso para sa dekorasyon.
  • Ilagay sa isang molder.
  • Steam ( for 10mins kung molder size mo ay parang molder for macaroons)