Ang Ginataang Gulay ay isa sa mga paborito nating mga Pinoy na ulam sa pananghalian o hapunan. Ito ay napakadaling gawin at napakasustansya dahil sa iba’t ibang gulay na sangkap nito. Ito rin ay napakakrema dahil sa gata ng niyog na totoong napakasustansya din.
Maraming benepisyong
pangkalusugan ang makukuha sa pagkain ng Ginataang Gulay dahil ang mga gulay na
sangkap nito ay puno ng mga bitamina at mineral na kailangan natin sa
pang-araw-araw nating buhay. Ang mga sangkap nito tulad ng ampalaya, kalabasa,
okra, sitaw at gata ng niyog ay pare-parehong nagtataglay ng maraming mga
bitamina at mineral.
Ampalaya
Ang ampalaya ay
napatunayang mayaman sa Vitamin C, isang mahalagang micronutrient na sangkot sa
disease prevention, bone formation at wound healing. Mayaman din ito sa Vitamin
A, isang fat-soluble na vitamin na nagpo-promote ng skin health at maayos na
paningin.
Okra
Ang okra naman ay
napakasustansya din. Ito ay mababa sa calories ngunit puno ng mga nutrients.
Meron itong Vitamin C, Vitamin K at Vitamin A. Meron din itong folate na mabuti
para sa mga buntis para maiwasan ang birth defects.
Ang Vitamin C sa okra ay
sumusuporta sa healthy immune function. Ang Vitamin K naman ay tumutulong sa
ating katawan sa blood clotting. Sa kabuuan, ang okra ay mayaman sa
antioxidants na makakatulong upang makaiwas sa mga malubhang sakit.
Kalabasa
Ang pagkain ng kalabasa ay
makatutulong sa atin na maprotektahan tayo laban sa sakit sa puso at cancer.
Ito ay mababa sa calories and carbs, ngunit mayaman sa mga bitamina at mineral.
Ang kalabasa ay mayaman sa Vitamin A at Vitamin C na parehong kailangan ng ating
katawan upang magkaroon ng healthy immune system.
Ang kalabasa ay isa ring masustansayang gulay. Ito ay naglalaman ng Vitamin B6, folate,
magnesium, fiber, riboflavin, phosphorus, potassium at marami pang iba.
Sitaw
Ang sitaw ay napakasustansyang
gulay. Ito ay marami ring mga bitamina at mineral at isa rito ay ang folate.
Ang isang tasang hilaw na sitaw ay naglalaman ng 33 mcg na folate. Halos
sampung porsyento ito ng daily recommended value. Ang Folate ay isang B vitamin
na tumutulong sa mga buntis na ma-prevent ang birth defects.
Gata ng niyog
Ang isang tasang gata ng
niyog ay naglalaman ng 100 porsyento ng recommended daily intake ng mineral na
manganese at higit pa sa 20 porsyento ng rda ng iron, magnesium, phosphorus,
selenium, at copper. Ito ay naglalaman din ng Vitamin C, folate, niacin at
dietary fiber.
Kaya ano pa ang hahanapin
mo? Narito na ang lahat sa Ginataang Gulay, ipaghain natin ang ating pamilya ng
nakabubusog at nakalulusog na ulam na ito.
Mga gulay na gagamitin
Ang mga gulay na gagamitin
sa recipe ay kalabasa, ampalaya, okra at sitaw ngunit huwag mag-atubiling
magdagdag o palitan ang mga gulay na ito. Ang ilan sa paborito kong gulay na
kasama sa recipe ng ginataang gulay ay ang ampalaya at kalabasa.
Mga Tip sa Pagluluto
Ang gamitin mong bagoong
alamang ay iyong luto at guisado na nabibili sa mga supermarket para sa mas
masarap na ginataang gulay.
Mga mungkahi sa paghahatid
Ihain ang mga creamy na
gulay sa gata ng niyog bilang pangunahing ulam o side dish para sa tanghalian o
hapunan. Ipares sa mainit na kanin at pritong isda o inihaw na karne para sa
masarap at malasang pagkain.
IBA PANG MGA LUTUIN NA MAAARI MONG SUBUKAN: