Ang Chop Suey ay isa sa mga paboritong ulam nating mga Pinoy.
Ang mga sangkap nito na cauliflower, carrots, celery, sayote, sitsaro at bell
pepper ay totoong napakalusog. Ito ay isang masarap at masustansyang ulam na pagsasaluhan
ng buong pamilya!
Gaano kalusog ang mga sangkap nito?
Cauliflower
Ang cauliflower ay isang napakasustansyang gulay. Ito ay
mayaman sa mga bitamina at mineral at gayun din sa fiber. Ito ay nagtataglay ng
napakataas na vitamin C. Ang 100 grams na cauliflower ay naglalaman ng 80
porsyento ng RDA. Ito rin ay mayaman sa vitamin B6, potassium, calcium,
magnesium, iron, sodium at protein. Ang cauliflower ay mataas sa fiber at
tubig. Ito ay parehong mahalaga para makaiwas sa constipation at magkaroon ng
healthy digestive tract na makakatulong upang makaiwas sa colon cancer. Ang
fiber ay nakakatulong din upang magkaroon ng malakas na immune system.
Carrots
Ang carrots ay loaded ng vitamin A at beta carotene at gayun
din ng fiber na napatunayang nakakatulong upang makaiwas sa sakit na diabetes.
Ito ay nakapagpapalakas din ng mga buto. Ang carrots ay may calcium at vitamin
k na parehong mahalaga para sa bone health.
Celery
Ang celery ay mayaman sa mga bitamina at mineral. Ito ay
naglalaman ng vitamin A, K, C, at mga mineral na kagaya ng potassium at folate.
Ito ay mababa sa sodium. Ito rin ay mababa sa glycemic index, nangangahulugan
na ito ay mayroong slow at steady effect sa iyong blood sugar.
Sayote
Ang sayote ay mayaman sa antioxidants. Kasama dito ang
myricetin, na nakakatulong na mapababa ang cholesterol level, mabawasan ang
inflammation, at magprotekta sa mga free radicals. Ang lahat ng ito ay upang
makaiwas sa sakit sa puso at cancer.
Bell Pepper
Ang bell pepper ay excellent source ng vitamin C, lalu na ang
kulay pula. Ito ay mayaman sa vitamin A at fiber. Ito rin ay may antioxidant
properties na makakatulong sa pagprotekta laban sa mga sakit na cardiovascular
at ibang cancers. Sa kabuuan, ang bell pepper ay isang napakahusay na
karagdagan para sa isang malusog na diet.
Sitsaro
Ang sitsaro ay mayaman sa vitamin C, vitamin K, at fiber. Ito
ay maraming health benefits. Ito ay mabuti upang makaiwas sa mga sakit sa puso,
mapabuti ang blood pressure control, gut health, at pagbaba ng timbang.
Paano Magluto ng Chop Suey?
Napakadali lamang ang pagluluto ng Chopsuey. Ang recipe na
ito ay hindi ginamitan ng anumang karne kaya mabilis lamang ito maluto.
Magsisimula ka sa paggisa ng bawang, sibuyas at cubes at lalagyan mo ito ng
kaunting tubig at pwede mo ng ilagay ang mga gulay at pakuluin at lagyan ng
cornstarch upang lumapot ang sabaw. Timplahan ayon sa iyong panlasa at luto na!
Napakadali di ba? Pwede mo ng ihain ito sa tanghalian o hapunan kasama ng
mainit na kanin at pritong karne o isda.
Mga Tip sa Pagluluto
Alisin agad ang gulay sa apoy dahil patuloy itong lulutuin at
lalambot sa natitirang init.
Paano Mag-Serve?
Ihain ang chop suey para sa tanghalian o hapunan na may
mainit na kanin at ang iyong piniling inihaw na karne o pritong isda.
Paano Iimbak?
Iimbak ang mga natira sa isang lalagyan na may mahigpit na
takip at palamigin nang hanggang 3 araw.
Painitin muli sa isang kaserola sa katamtamang init hanggang
165 F o sa microwave hanggang sa tuluyang uminit.
IBA PANG MGA LUTUIN NA MAAARI MONG SUBUKAN: